Monday, November 18, 2013

Senate Hearing for pork barrel scam spoof

Umiinit ang usapin ngayon tungkol sa pork barrel scam na kinasasangkutan ng tinagurian Scam Queen Janet Lim Napoles. Kaya naman hindi ito pinalampas ng ilan nating mga kababayang gawing katuwaan lalo na nung napanuod nila ang Senate Hearing. Ang pagtatagpo ng mga whistle blower na sila Ben Hur Lui at iba pang mga kasama. Syempre hindi din mawawala si DOJ Secretary Laila De Lima at hindi din syempre buo ang hearing kung wala si Senador Miriam Santiago na siyang madalas nangangaral ng saligang batas para sa kaalaman ng publiko.

Kaya't kabi kabila ang mga spoof na naglitawan nung na telecast ang senate hearing tungkol sa pork barrel scam.

Ito ang mga pangalan nila na sadyang iniba para sa katatawanan:

BOJ or Bureau of Justification
BOJ Secretary - DOJ Secretary
Laila De Lima - Leila De Anim
Janet Napoles - MRS Tina Pulis
Attorney: Lorna Kapunan - Lorna Kapunen

Mga tanong:

Gng Napoles bakit po nakalagay ang pangalan inyo sa inyong vest?
Mrs Napoles: I have the right po.
Anong right yun?
Mrs Napoles: Right to put my name
Secretary, pinasumpaan nyo po ba si Gng Napoles?
Sec De Anim: yes, your honor sinumpa ko na po siya. Este ipinasumpa ko na siya Pati na ang ating star whistle blower na si Benthur Uy
Ah napansin ko lang noh parang luma na yang bullet proof vest mo,bakit?
Benthur Uy: Naubusan po ako ng bagong issue kaya itong vintage vest nalang ang pinasuot sa akin.
You are gaining weight ha mukhang malaki na ang kinita mo
Benthur: Your honor hindi naman po
Mrs TinaPulis Bakit po kanina pa kayo iling ng iling?
Gng Tinapulis: Hindi ko po alam
Benthur: Excuse me your honor, nagsisinungaling po siya sa sobra po niyang stress kaya ilang po siya ng iling
Mrs Tinapulis kung si Benthur po ang taga pag alaga ng inyong mga anak paano po siya naging presidente ng NGO?
Tinapulis: Nagtayo po ng foundation yung mga anak ko at binoto siyang president
Benthur: Hindi po totoo yan, nagsisinungaling siya
Mrs Tinapulis nagsisinungaling daw po kayo?
Tinapulis: I invoke
Totoo ba na taga Basilan kayo?
Tinapulis: Ay ambot
Mrs Tinapulis ito ah linawin ko lang may bago kayong yaman gusto lang po naming malaman kung may iba pa kayong trabaho na hindi namin alam?
Tinapulis: Meron po
At ano po ang mga trabahong iyon?
Tinapulis: kung minsan nagsusuot po ako ng comedy
Mrs Tinapulis maraming akusasyon sina benthur uy at kanyang mga whistle blower sa inyo ang sinasabi po ba ninyo inimbeto nilayun ng sabay sabay?
Tinapulis: Hindi ko po alam sa kanila
Ah naniniwala po kami na nagsusulat kayo ng comedy
at dahil po masama ang pakiramdam ni Senator Merian Santigo pasisingitin po muna natin siya.
Merian Santigo : there you are..Mrs Tinapulis kilala mo ba si Pinocchio?
Tinapulis: Paano pong kilala, kilala lang o personal na kilala?
Merian Santigo : Niloloko mo ba ako?
Tinapulis: Hind ko po alam
Merian Santigo : Sa mga sagot mong yan eh para mo akong pinipilosopo eh
Tinapulis: Hindi ko po maalala
Merian Santigo: I would like to remind you mrs Tinapulis that I will not bully you today, pero binabalaan kita
kasi baka ipapatay ka nila, so bago man nila o di ka man nila ipapatay ako na ang gagawa ng paraan. baka patayin mo ako eh . now answer me.
Tinapulis: Hindi ko po alam
Merian Santigo  answer me again mrs tinapulis? Ako ginagalit mo ..

Nagkagulo ang mga tao kaya't dun natapos ang unang hearing!

Watch the bubble gang spoof:

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page. Please share and like this video so we can produce more jokes.

Wednesday, November 13, 2013

Bading ka ba?

Girl: Bading kaba?

Boy: Hindi ah.

Girl: Halikan mo nga ako.

Boy: Ayaw ko nga.
Girl: Bading ka nga.

Boy: Hindi nga.

Girl: Hawakan mo nga dibdib ko?

Boy: Ayaw ko nga eh!

BOY:(SUMIGAW) TOL!!!!
.
.
.
.
.
"Ano ba tong Lola mo nakakadiri yung trip!"

Si lola naman, tanders na umaareba pa eh..hahaha

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Monday, November 11, 2013

Pinakakuripot sa lahat ng kuripot joke

Si boy KURIPOT

BOY: Magkano kanin nyo?

TINDERA: 5 pesos.

BOY: Eh yung tutong?

TINDERA: Libre.

BOY: Tutong na lang. Magkano gulay?

TINDERA: 15 pesos.

BOY: Eh yung soup?

TINDERA: Libre.

BOY: Sige soup na lang.

AFTER KUMAIN

BOY: Magkano po coke?

TINDERA: (siguro naman bibili natong hayop na to) 8 pesos.

BOY: Ikuha mo ako isa. (sabay dukot sa bulsa) May tansan kasi ako free coke daw.

TINDERA : PUT***** XD

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Saturday, November 9, 2013

Joke mula sa langit

May tatlong babaeng namatay at napunta sa langit...

SAN PEDRO: isa lang ang patakaran dito. wag ninyong tatapakan ang mga palaka. ang parusa ay itatali kayong nakahubad sa isang pangit.

Punong-puno ng palaka ang langit. sinubukan ng tatlo na di makatapak.

Pagkalipas ng isang araw, nakatapak yung unang babae. kumuha si san pedro ng pangit na lalake, hinubaran sila, at tinali silang dalawa sa isa't-isa.

Pagkalipas ng isang linggo, nakatapak yung pangalawang babae. kumuha si san pedro ng mas pangit pa na lalake, hinubaran sila, at tinali silang dalawa sa isa't-isa.

Isang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nakakatapak ng palaka ang pangatlong babae.

Pero bigla na lang dumating si san pedro na may dalang isang sobrang guwapo na lalake. hinubaran sila, tinali sa isa't-isa, at umalis na agad na walang kibo.

BABAE 3: anong nangyayari? gantimpala ko ba ito? ano kaya ang ginawa kong tama?

GWAPO: ewan ko sayo pero ako nakatapak ng palaka

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Thursday, November 7, 2013

Bilang ng ka-SEX joke

Isang linggo pa lang mag-kasintahan si boy at girl. bumisita si boy sa bahay ni girl at humiling na kung pwedeng pagbigyan na siya ni girl kahit one week pa lang sila. pumayag si girl at pumasok na sila sa kwarto.

Pagpasok ni boy sa kwarto ni girl, may nakita siyang apat na linyang naka-ukit sa pader sa tabi ng kama ni girl....

BOY: ano yang apat na linyang yan?

GIRL: bilang ng mga naka-sex ko

BOY: wow swerte ko naman... apat pa lang nakaka-sex mo

GIRL: hindi apat yan... one thousand one hundred eleven

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Tuesday, November 5, 2013

Joke sa Selda

Nakulong si boy sa unang pagkakataon. Kinagabihan, pinatay na ang ilaw ng selda nang sumigaw ang kanyang isang cellmate ng, "Number 12!". Nagtawanan ang buong selda.

Ilang minuto pa ay may isa na namang preso ang sumigaw. "Number 4!", at nagtawanan na naman ang buong selda. Dahil sa nagtaka na si boy sa mga nangyayari, nagtanong na siya sa isang matandang preso.

MATANDANG PRESO: Matagal na kasi kaming
nakakulong dito. Memoryado na namin lahat nang joke ng isa't-isa kaya sa halip na ikuwento pa yung buong joke, yung number na lang ang sinisigaw namin.

Dahil namangha si boy, sumigaw na rin siya ng "Number 28!".

Dumagundong ang pinakamalakas na tawa ng mga preso, gumulong sa sahig at ang iba ay maluha-luha pa sa katatawa. Nagtaka ulit si boy.

BOY: Bakit ganun kayo kalakas tumawa ngayon?

MATANDANG PRESO: (nagpupunas ng luha habang patuloy sa pagtawa) Ngayon lang namin narinig yung joke na yun.

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Sunday, November 3, 2013

Boso joke

May tatlong batang namboso sa teacher. nahuli sila at kinuwestiyon

TEACHER: pedro, ano ang nakita mo?

PEDRO: kaliwang suso nyo mam

TEACHER: pwes, suspended ka ng isang linggo. ikaw juan ano nakita mo?

JUAN: dalawang suso nyo mam

TEACHER: suspended ka ng isang buwan. ikaw boy?

tumayo at naglalakad na palabas

TEACHER: at saan ka pupunta boy?

BOY: pauwi na mam. sa nakita ko, sure kick-out nako
--
Ano kayang nakita nya??LOL

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Friday, November 1, 2013

Kidnap joke

(KIDNAP SCENE..)

KIDNAPER: Hello! magkano nyo tutubusin ang anak nyo!?

MAGULANG: 500 thousand..!

KIDNAPER: huh? hindi pwede! dapat may MILYON!!!

MAGULANG: uhmm.. KALAHATING MILYON!!

KIDNAPER: OK! Sige! DEAL!

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget