Monday, February 27, 2012

I love you joke

I love you!
-Ano Reply mo?

1 Talaga?
2 Bastos ka!
3 I love you 2!
4 I love you more!
5 Sorey Hule Kana!
6 x send?
7 Ligawan na kita?
8 Will you marry me?
9 Tayo na?
10 Change topic?
11 Paki ulet?
12 Pag single na ako!
13 Bata ka pa.
14 Secret lang to, Ilove you too.
15 Mag aral ka muna
16 Gumaganun na?
17 Huh?
18 Ewan :}

Send to your friend tignan mo kung ano sagot nila matatawa ka! :))

Wag kang KJ! :))

Do you like this text joke? I'like mo na para matuwa naman kami sayo. lol

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Thursday, February 23, 2012

Scavenger Hunt Contest!

Hello Mga kababayan ko sa malalayong lugar! Kung kayo po ay nasa USA, Australia, UK, China, at kung saan pang sulok ng mundo, ang "Kulitan Ng Pinoy" po ay naghahanap ng ka team members para po sa isang online contest na "Scavengers Hunt". Kung kayo po ay interesado narito ang ilan sa mechanics:

Maglilista kami ng ilang mga bagay na hahanapin nyo sa inyong lugar, halimbawa,  Fine Tree, to make sure na nakita nga ninyo ang Fine tree na pinapahanap namin sa lugar ninyo, magtake po kayo ng picture dun at ipadala sa amin. Lima po ang ibibigay naming tasks or bagay na dapat ninyong mahanap sa inyo pong lugar . Kayo ay kailangang maghanap sa loob ng 5 araw upang makasali sa namin.

Ang sino man pong magnanais na sumali sa napakasayang contest na ito, ay maari pong magleave ng message sa comment box po. Sabihin po ninyo kung saan kayo parte ng mundo nakatira sa ngayon upang ma adjust namin kung ano po ang bagay na ipapahanap po namin sa inyo na madali lamang makita.

Ang papalarin ay maaring makatanggap ng $1000 araw araw sa pa raffle po, baka kayo na yun kapag napili ang pangalan ninyo.

Ang ilan po sa nauugnay na bagay, lugar na maari po naming ipahanap sa inyo ay may kinalaman sa:


- Popculture
* Trivia
* Memes


At iba pa, siguradong kayo ay mag eenjoy din sa inyong pagsali dito sa amin.

Maraming salamat po! 

Kulitan ng pinoy

Narito po ang ilang halimbawa ng "Scavenger Hunt"..







Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Wednesday, February 22, 2012

Moral support Joke

Shared by Sharon P from Mindanao

Moral Support

Sa sabungan walang entrance fee ang may dalang panabong....

Si Juan para makalibre pumasok may dalang sisiw.

BANTAY: hoy!! ano yan?

JUAN (galit pa): manok!! bakit?

BANTAY: alam ko...,eh bakit sisiw?

JUAN: heller?? may laban ang ama nya syempre moral support....tanga!!!


Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Sunday, February 19, 2012

Erap on Piolo Pascual

LOGIC

Erap : Mahirap ata yang binabas...a mong libro.
Pnoy : No, logic lang ito, madali lang.
Erap : Ano ba yang logic na yan, hindi ko ata alam yan.
Pnoy : Ganito lang yan, may aquarium ka ba sa haws?
Erap : Oo.
Pnoy : Kung may aquarium ka, eh di mahilig ka sa isda.
Erap : Oo.
Pnoy : Kung mahilig ka sa isda, mahilig ka rin sa dagat.
Erap: Oo.
Pnoy ; Eh di kung mahilig ka sa dagat, gusto mo pumupunta sa beach.
Erap : Oo.
Pnoy : At kung mahilig kang pumunta sa beach, mahilig ka sa babaeng naka-bathing suit.
Erap : Oo.
Pnoy : Eh kung mahilig ka sa mga seksing babaeng naka-bathing suit, eh di lalakeng - lalake ka.
Erap : Oo.
Pnoy : Eh kung lalakeng - lalake ka, eh di macho ka.
Erap : Oo.
Pnoy : Kita mo na, ganyan lang ang logic!
Erap : Okey pala yang logic na yan, ah!

The following day, Erap saw papa “P”

Erap : Piolo, susubukan ko lang itong tinuro sa aking logic ni Pnoy.
Piolo : Sige nga po!
Erap : May aquarium ka ba sa bahay?
Piolo : Wala.
Erap : Bakla ka nga!

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Saturday, February 18, 2012

Mutya ng pasig

Siya ang lahat ng mutya!! Mutya ng pasig, mutya ng ilog, mutya ng dagat, mutya ng cebu, mutya ng kung ano anong mutya. Lahat ng usapang mutya ay nauugnay sa kanya kasi nga siya nga si mutya eh... kaya hayaan mong ipasilip namin sa inyo si Mutya. Ang mutya ng pasig buhat sa akin ka FB..



Wednesday, February 15, 2012

Taguro ng Ghost fighter

Aha! At sa wakas nakita ko na din ang aking favorite na cartoon character sa Ghost Fighter. Buti nalang nakatulong ang isang malupit na teknik sa isang masusing paghahanap sa internet. Ngayon ang problema naman ay,,, asan si Jerimiah at Eugene?? Help!


Sunday, February 12, 2012

Whitney Houston is Dead :( but....

Isa po ako sa mga Avid fans ni Whitney Houston.. kaninang umaga nagising ako sa isang text mula po sa aking kaibigan, tinanong niya ako kung talaga daw bang patay na si Whitney Houston, syempre na shock ako at hindi agad gaanong naninwala.. kaya naman dali dali akong bumangon sa aking higaan at binuksan ang computer. Naggooogle ako at napaiyak dahil ayon nga sa ABC News at Associated Press na siya nga ay sumakabilang buhay. Naging usapan din siya sa lahat ng social networking site gaya ng twitter at FACEBOOK.

Saturday, February 11, 2012

Temptation Island Part III - Aking kang hudas ka!

Naku mga friends malapit na pong ipalabas ang temptation Island sana mapanuod nyo po ang part III na ata ito eh. Parang limited for viewing lang ata ang gustong mangyari kasi nga daw masyado daw pong daring ang magiging eksena na talaga namang kagigiliwan ng lahat ng kalalakihan. At ito pa ang sabi pa nga daw baka matalo ang part 1 and part II nito. Mantakin nyo un. Sabagay kahit sino naman kapag nakita palang ang cover ng palabas na ito talagang matetempted na talagang panuorin eh.. :))


Take note: may pa- raffle sila. Ang mga bida daw ay biglang susugod sa sinihan at kapag napili nila ang ticket mo iyo sila one to sawa... nuod na!!

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Monday, February 6, 2012

Sulat ng magulang sa probinsya


At nitong mga nakaraang araw isang sulat ang nakatawag sa aking pansin na ishinare sa akin ng aking ka facebook. Hindi ako nakahinga sa kakatawa.. kaya kung wala kang magawa at may time ka. basahin mo tong sulat na ito..


Narito at aking tinanype na din dito baka sakaling malabo ang mga mata mo.. ahe..

Dear Anak,

Naipadala na namin yung P50,000 na pambayad sa tuition mo sa second sem. Ipinagbili na yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng counter strike na kurso!. Wala na rin tayong baboy, naipabili na rin namin para sa sinasabi mong project, 'yung NOKIA N75, Anak ang mahal naman ng project mo! Kasama na sa ipinadala namin ung mo para sa field trip mo sa Mall of Asia. Malayo ba yun? Bakit ang mahal din? Isinanla na namin yung palayan para mabili na yung instrumento mong Video Ipod. Napailaw nyo ba ba yung

Thursday, February 2, 2012

Utang joke

Tindahan ni Mang Berto
Oh ayan sa mga mahihilig mangutang at hindi naman marunong magbayad! Subukan ninyong umutang dito sa tindahan ni Mang Berto ewan ko lang kung umubra kayo sa istilo nyah!! Ha ha ha! Go utang na mga sis/bro!!

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget