Monday, September 15, 2014

Iba ang lola ko sa mga lola ninyo.. :)

Ang tipikal na lola ay kadalasan sa bahay lang nagbabasa ng bibliya o di kaya naman sa ating mga terrace or beranda nakaupo sa tumba-tumba habang nagtatahe o nanggagantsilyo. Karaniwan silang mga tahimik nakaupo, nag iisip.. PERO tama na! Ibahin ninyo ang lola ko.. iba si lola ko sa lahat ng lola ninyo noh?! Hello! 2014 na noh! Gusto ko ipakilala sa inyo ang mga lola ko sa kanilang mga actibidadis..

Bago ang lahat gusto ko nga palang batiin ang aking lola sa kanyang ika 100th birthday.. Happy birthday la!

Stolen shot ni Lola nung naging varsity sya sa kanilang school

Ito nga pala pic ni lola nung dinemo niya kung paano umikot ang trumpo nung bata pa siya..

Ganito daw ang tamang pagselfie sabi ni lola kapag galit ka pero love mo pa din ang jowa mo,, nakakalimutan na daw na kasi ng mga kabataan ngayon eh.. now you know!

Si lola nung nasa Park siya, hindi ko sukat akalain na bigla siyang mag gaganun sa siso.. si lola talaga oh.. 

Nung minsan naglaban kami sa DOTA at Counter Strike.. isa lang daw pala akong "foods".. sabi niya "Weak" daw ako.. kaloka si lola talaga..

Si lola nung medyo bata pa siya, isa sa mga kinahiligan ni lola ang drag racing.. Naging hinete pala si lola nuon.. 

Nung naglakad kami sa Mall malapit lapit sa tutuban, nagulat ako kay lola dahil sinukat niya ang poste sa pamamagitan ng kanyang mga binti. Anlaki daw ng pinagbago ng aming lugar.. dati kasi nasa 4 feet lang yun.. laking gulat niya bakit para daw biglang lumaki.. si lola talaga hindi ba niya alam na tumatangkad diya siya? 

Alalang-alala ako kay lola nung minsang nadulas siya.. mabuti nalang master na lola ang pag split kaya hindi siya natumba.. naibalance niya ang kanyang katawan at may pose pa. Nagulat ang mga bisita namin na kasalukuyang kumakain sa lamesa. Sa kusina namin kuha yan..

Lola accident
Ikalawang dapa na ni lola ito pero nagawa pa din niyang imanage ang pagbagsak niya.. akala ko yung unang pagtumba at pag split niya ang aksidente lang.. I mean aksidente lang ang pagkakasplit niya pero talaga palang namaster na ni lola ang pag split kaya yun ang nakatulong sa kanya. Laki talaga ng pasasalamat ko sa Pelikula ni Jit Li na once upon a time in China kasi may collection si Lola nun at lagi niyang pinapanuod. Minsan nga si Lola madaling araw ang ingay akala ko kung ano na yun pala nanaginip lang .. na carried away ba sa kapapanuod ng Jit Lee movie.. panay ang Hai, Hiyaaa ang ingay sa kwarto...

Lola 2nd accident
Oh sige ayan nalang muna ang maibibigay ko sa inyo ha.. hindi ko na mailgay ang iba pa kasi nakakahiya naman sa mga lola ninyo.. sinabi ko nga kay lola ang tungkol sa pag upload ko sa mga photos niya.. sabi niya baka daw magselos ang ibang mga lola.. kaya sabi niya ay PEACE YOW!!

lola's message to all
O siya sige sige.. gang dito nalang mga ka KNP! Naway napatawa ko kayo today.. wag ninyo pigilan baka magaya kayo sa isang ka KNP natin kakapigil yan ang nangyari!

Oppppssss teka ayaw nga pala magpatalo ng lola sa Pinas.. nag email sa akin sabi niya bakit daw hindi ko sinasagot ang mga fax niya sa akin sabi ko wala akong fax buti nalang eh nagbukas ako ng email... hheheeh pinadala niya ang kanyang video sa dropbox.. happy watching!


Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget