Sunday, October 31, 2010

Ang Radyo

 May tatlong magkakaibigan, si Juan, Pedro at Johnny.

Isang araw habang naglalaro ang tatlo ng tatsing tinawag si Juan ng kanyang nanay:

Nanay: Juan, Juan, halika nga dito bumili ka ng radyo at may bagyo daw!
Juan: Opo nay. Pedro, Johnny, samahan nyo ako pinapabili ako ni nanay ng Radyo sa bayan.

Habang ang tatlo ay naglalakad, sila ay nakakita ng mga kabataang nagtatatsing pera.

Pedro: Juan, gusto mo lumago ang pera mo?
Juan: Oo, bakit?
Pedro: Nakikita mo ba yung nagtatatsing, ilaban natin yan, tiyak mananalo tayo.
Juan: Sige

Sa kasamaang palad, natalo ang tatlo. May natirang piso.

Ngunit sila ay napadaan sa isang grupo ulit ng kabataan na nagtatsing pera.

Johnny: Juan, di ba natalo tayo kanina? Ilaban natin ang natirang pera baka manalo.
Juan: Sige

Sa kasamaang palad natalo ang natirang pera ni Juan..Hindi niya alam ang gagawin..

Kaya pagdating sa bayan nakaisip silang paraan.....

Juan: Mamang tindero, magkano po ba ang radyo nyo?
Tindero: 300 pesos
Juan: eh yung isa po na kulay blue dun sa likod ng isa?

Habang inaabot ng mamang tindero ang isang radyo na tinuro ni Juan. Itinakbo ng tatlo yung Radyong hawak nila. Sila ay nakatakas dala Si Radyo.

Juan: Ang galing niyo mga kaibigan. Kung di nyo ginawan ng paraan sigurado yari ako kay nanay.

Pag uwi nila.

Juan: Inay ito na po ang radyo.
Nanay: Isaksak mo na at ilagay sa DZMM

Radyo: Nagbabagang balita, nagbabagang balita....Si Juan, Si Pedro Si Johnny....Nagnakaw ng Radyo!

Juan, Pedro, Johnny....."Aba't gagung radyo to ah..sumbungero!"

  

Saturday, October 30, 2010

Aktuwal na utot..(live Fart) Part 1

fartalertAktuwal na utot..(live Fart)

Kalikasan na natin lahat ang pag utot, kahit saang lugar mapunta ay sumusumpong ang pag utot. Pero, may mga time or may okasyon na hindi dapat dahil sa takot na mapahiya lalo na kung ang utot mo ay sobrang baho. May ibat-ibang klase ng utot, pakitignan sa ibaba.


Mga uri ng utot:

utot
Bawal umutot
Laktot - Sobrang lakas ng tunog na utot at walang amoy. Ito din ay nauugnay sa kulay: BROWN!
Saktot - Saktong lakas ng tunog ng utot at walang amoy. Ito ay nauugnay sa kulay: BLUE!
Saltot - Saktong lakas ng tunog na utot at sakto lang din ang amoy. Nauugnay sa kulay: PINK!
Wantot - Walang tunog ngunit sobrang baho.. Wala pang nadidiskubreng kulay para sa utot na ito dahil nung ito ay natuklasan ng mga ekpspertong kagaya ko, hindi makita sa microscope ang tunay na anyo nito :))
Lantot - Walang tunog na utot at walang amoy. Walang kulay na pangalan dahil siya ay invincible at ayaw magparamdam. Siya din ay tinatawag na "the soul Fart" dahil siya ay hindi nakikita at naamoy as in parang wala lang ;) lumabas lang babye na..
barrack
Barrack Obama
Naktot - Napakalakas ng tunog at sobrang bahong utot. Wala pang pang naiiuugnay na Kulay para Naktot dahil ito ay pinagdedebatehan pa sa senado kung ito ay BLACK o BROWN. 11 senador palang ang pumipirma sa senado para sa BLACK at 11 din sa BROWN. Ang debate ay umabot sa stados unidos lalo na ng mautot si Barrack Obama sa Gitna ng Debate. Kaya ang NAKTOT ay pinangangambahang pangalanang BLAKTOT bilang international name at BLACK bilang international sound :))

Balik tayo sa pinas tungkol sa debate sa utot, umaapela na naman ang CBCP (Catholic Bishop Conference of the Philippines) dahil ayaw nila sa Black dahil ito daw ay masama at kulay itim na nagisisimbolo ng kasamaan kaya ang kanilang mungkahi sa kogreso ay PUTI. Umayon ang DENR at PAG -ASA sa mungkahi ng CPCP. Ayon sa DENR ito daw ay para sa kalinisan, ayon naman sa PAG ASA sapagkat ito daw ay pabugso bugsong atake sa tao na parang bagyo. Hinarang naman ng BUREAU OF CUSTOM ANG LAHAT NG MUNGKAHI dahil ito daw ay ilegal na panghihimasok sa karapatan ng tao. Nanawagan ang BOC (Bureau Of Custom) sa CHR (Commission of Human Rights) tungkol sa usaping ito.

                                                                               2 kilalang personalidad
allanK
Allan K



mikeE
Mike Enriquz
ang galit na galit kapag napag uusapan ang tungkol sa utot sapagkat sila daw ang unang maapektuhan - Allan K at Mike Enriquez. Isang malupit na babala naman ang binitawan ni Mike Enriquez sa lahat ng uutot sa harap niya..HINDI KO KAYO TATANTANAN!!!!







Ito naman ang koleksyon ko ng mga di sinasadyang pag - utot sa telebisyon...


Newscaster na pautot ng di sinasadya...


Aktuwal na utot..(live Fart) Part 2



Hilary Clinton napautot sa nerbiyos sa gitna ng DEBATE!




Barrack Obamma napautot sa DEBATE...matanda nakakatawa!!






chealsea Johnson ng American Idol pasok dahil sa Utot!!!!





Aktuwal na utot..(live Fart) Part 2

Friday, October 29, 2010

Pustiso :)

lolo
bungalPustiso, pustiso, pustiso....hay..isa lang ang naalala ko sa salitang yan. Ang lolo ko. Nung bata pa ako malimit kong nakikita ang pustiso niya na nakakababad sa baso. At susuotin niya nalang kapag aalis siya o may rampa siya. Minsan, nagbubunganga ang matanda, ang aga aga buwisit. Nawawala daw ang pustiso niya?? Yun pala ang matanda aalis. Mamamalengke ng mga paninda niya. Eh ang masama sabi niya eh ninakaw daw. ha ha ha...imaginin ninakaw daw?? Kung may magnanakaw..tanga naman ng magnanakaw. Sino kaya bibili nun? Yuck kadiri! Bibili ka ba naman ng buong pustiso (full denture) ng di naman fit sayo? At magsusuot ka ba ng pustiso na di naman sayo? AWWWWWWW....


pustisoBalik tayo sa nakawan daw..hanap kami ng hanap at lahat ng tao na natutulog sa bahay ay nabulabog dahil sa pagdadabog ng matanda. Hysterical talaga siya ng nawala ang mahal na mahal niyang pustiso. Save by the bell naman nakita ng magaling kong pamangkin ang pustiso niya sa ilalim ng aparador at ang damuhong daga ay ninakaw pala! ha ha ha! Akala siguro ng daga Cheeze. Kaya siguro ninakaw ng daga akala niya bubble gum? Cheeze? or baka naman susuotin din niya dahil magpipicture taking sila ng pamilya niya? Para makapagsabi siya ng "say cheeze" habang nagpipicture picture sila? hi hi hi..

sukangKaya naman nung naibalik na ang kanyang pustiso eh tuwang tuwa ang tanders (matanda) dahil makakaalis na siya. Pero naman talaga pinakasipilyo sipilyo niya. Lahat na ata ng pambabad ginamit niya; tide detergent, chlorox, suka, at kung ano ano pa kulang nalang ata pati sa asido ibabad niya. Hay naku sige panuorin nyo sa baba ang mga koleksyon ko ng mga pustiso na aktuwal na nakunan sa Video.

Ang koleksyon ko ng mga nahulog na pustiso..panuorin...

  
























Yaya Inday

Sir: Inday ikaw ba yang nasa banyo? Kukunin ko lng yung toothbrush ko

Inday? Ay sir sandali lng,naka panty lang ako


Sir: O,sige intayin kita


(after 10 seconds)


Inday: Pasok na sir, wala na kong panty



   

Thursday, October 28, 2010

Elebeytor

Dalawang probinsyano sumakay sa elavator:

Berto: Magkano ibabayad natin?



Ricardo: Tanga! bobo! gago! ignorante! bogok! stupido! Bakit ka magbayad eh wala pang kunduktor???!!! 

Si Ate Gay ang favarite kong gay comedian..

ate gayHi Guys! Panuorin nyo itong guesting ni Ate Gay sa Comedy Bar. Sa mga hindi nakakaalam ang Comedy Bar ay mapapanuod tuwing sabado ng gabi na pinangungunahan ni Allan K at Eugene Domingo (di ko alam real name niya, pero tuwang tuwa ako sa kanya!)
Eugene domingo


Ang isa sa mga pinakakatawa ay yung ginaya niya si Jackilyn Jose at Nora Aunor..hay naku guys panuorin nyo! Sobrang kakatawa talaga!


   

Wednesday, October 27, 2010

Gusto mo bang matuto ng gay lingo??

Gusto mo bang matuto ng gay lingo??

May nag uusap na dalawang bakla sa isang jeep..  



Gay 1: Gurl, nagpagas na ba atashi??
Gay 2: Ritchels pa teh, pagas na tayis?Little Men (Lingo Books)
Gay 1: Maggi na muna teh..unyabels na baka marakbey itech kararu. Sayang lang ang andey atashi.
Gay 2: Go ating

Pero ikaw naman ay talagang nagtatanong sa sarili mo kung ano ang pinag uusapan nila. Di mo alam eh ikaw na pala yun, pero di ba ansarap nilang pakinggan? kasi andyan yung may mga emote emote

pa ang mga bayot. Minsan magtatawanan sila ng hindi mo man lang alam kung ano ang pinag uusapan nila, minsan T.H (tamang hinala) ka pa baka nga ikaw na ang pinagtatawanan nila. Nakakaasar di ba???

Pero sa paglipas ng panahon, madami na ding nakakaalam ng gay lingo na kilala na din at ginagamit na dingaya ng ilang kilalang celebrity. Isa na diyan si Tuesday Vargas. Narinig mo na ba sinabi na niya ang salitang "chenes!" Chenelyn! Churva! Aketch! Si Pokwang. Di ba sa wowowee panay ang gamit niya ng salitang "kimberly!" "Kimbersung" na halos makasanayan na niyang ihalo sa kanyang salita?? Ang paggamit ng gay linggo or kilala sa tawag nilang "blue book" mula sa baul ni lola ay ginagamit ng halos lahat ng uri ng tao, mapa babae, lalaki, bata o matanda, mahirap, mayaman -alam na nila. Ngunit datapwa't subalit, itoy iyong naririnig pero alam mo ba ang ibig sabihin??? Ha ha ha..I guess hindi pa..well kung gusto mo malaman..then ipost mo dito or mag comment ka.

Ang translation ng usapan ng dalawang bayot ay susunod na sa ikalawang post ko..





Updated today as promise the link for gay linggo is HERE

Joke no. 1: May sakit

DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.


Medyo korni to pero okay na din..hehehe...


   

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget