Isang araw habang naglalaro ang tatlo ng tatsing tinawag si Juan ng kanyang nanay:
Nanay: Juan, Juan, halika nga dito bumili ka ng radyo at may bagyo daw!
Juan: Opo nay. Pedro, Johnny, samahan nyo ako pinapabili ako ni nanay ng Radyo sa bayan.
Habang ang tatlo ay naglalakad, sila ay nakakita ng mga kabataang nagtatatsing pera.
Pedro: Juan, gusto mo lumago ang pera mo?
Juan: Oo, bakit?
Pedro: Nakikita mo ba yung nagtatatsing, ilaban natin yan, tiyak mananalo tayo.
Juan: Sige
Sa kasamaang palad, natalo ang tatlo. May natirang piso.
Ngunit sila ay napadaan sa isang grupo ulit ng kabataan na nagtatsing pera.
Johnny: Juan, di ba natalo tayo kanina? Ilaban natin ang natirang pera baka manalo.
Juan: Sige
Sa kasamaang palad natalo ang natirang pera ni Juan..Hindi niya alam ang gagawin..
Kaya pagdating sa bayan nakaisip silang paraan.....
Juan: Mamang tindero, magkano po ba ang radyo nyo?
Tindero: 300 pesos
Juan: eh yung isa po na kulay blue dun sa likod ng isa?
Habang inaabot ng mamang tindero ang isang radyo na tinuro ni Juan. Itinakbo ng tatlo yung Radyong hawak nila. Sila ay nakatakas dala Si Radyo.
Juan: Ang galing niyo mga kaibigan. Kung di nyo ginawan ng paraan sigurado yari ako kay nanay.
Pag uwi nila.
Juan: Inay ito na po ang radyo.
Nanay: Isaksak mo na at ilagay sa DZMM
Radyo: Nagbabagang balita, nagbabagang balita....Si Juan, Si Pedro Si Johnny....Nagnakaw ng Radyo!
Juan, Pedro, Johnny....."Aba't gagung radyo to ah..sumbungero!"
No comments:
Post a Comment