Monday, November 1, 2010

The Transformers of the Philippines

thetransformers
Kapag naririnig ko ang TRANSFORMER, or The Transformer nung bata pa ko, cartoons kaagad ang naiisip ko eh. Mga sasakyang nagbabagong anyo bilang robot na gumagalaw sa sarili nilang kagustuhan dahil sila ay galing sa ibang planeta. Mga pangunahing karakter sa The transformer ay kilala bilang sina Bumblebee, Soundwave, Megatron, Starscreams and of course, Optimus Prime, Ewan ko lang kung yun talaga yun, basta ang alam ko, transformer, nagtatransform sila bilang robot, period!

thetransformers1
Anyway, kung ang transformer ay galing sa ibang bansa naisip mo ba na kung sa pinas kaya magkaroon, at ito ay ihahango sa original na sasakyang gawa sa atin mismo ano kayang itsura?? Appealing din kaya or kaakit akit din kaya kagaya ng mga sasakyang imported na gawa sa ibang bansa?? Hmmm??


The transformer of the Philippines...hmmm? tricycle nagiging robot? Jeep? ano pa?

Pumili ng magandang pangalan para sa unang transformer ng Pilipinas:
Tricycle

Kakayahan:
transformerngpinas5
1. Tumakbo ng mabilis
2. Bumusina
3. Umiilaw sa harapan
4. May plaka
5. May tatlong gulong ;)
6. May rotating blade, pang hiwa ng gulay, gaya ng sayote, papaya, at kung ano ano pang gulay.
7. Automatic - siya ay pumipila na sa kulay green na pilahan ng tricycle
8. Error detonation - sasabog kapag siya pumipila or pinilit ipila sa ibang pilahan ng tricycle

Gamit
                                                                Pwede na bang ipanglaban?
*. Pamasada                                            Oo. Sa gayatan ng prutas at gulay.:))
*  Pamorma
*  Pa-cute

Kariton

The Transformer ng Pinas, The transformer of the PhilippinesKakayahan:

1. Malakas ang tunog ( sya ay may speaker na suso)
2. Matulis na kuko para pangkamot
3. Tatlo ang gulong
4. Hindi automatic
5. Nadedetect ang mga prutas kapag bulok na
6. Automatic sensor - kapag hinog na ang mga prutas kanyang kinukuha.
7. Hindi natutulog
8. Nagyoyosi at nagshashabu para di makatulog kapag nagbabantay sa labas ng bahay.

Gamit  
                                                                Pwede na bang ipanglaban?
* Pang asar                                               Oo. Sa bentahan ng gulay at puyatan.
* Bantay sa bahay
* Tindero ng prutas
* Lalagyan ng prutas


Kariton 2

Gamit

Kakayahan:

The Transformer ng Pinas, The transformer of the Philippines1. Tatlo din ang gulong
2. Hindi automatic.
3 Pwedeng upuan habang naglalakad siya
4. Walang ilaw (kasi mahirap lang siya)
5. Nadedetect lahat ng basura kung ito ay plastic, bakal, bote or garapa.
6. Kinikilo ang plastic, bakal at may kakayahang kalkulahin ang presyo kada kilo nito
7. Tumatawad sa presyo
8. Nadedetect ang lahat ng basura kahit ito man ay nasa pinakailalim laliman ng lupa o bato
9. Sinusuri kung sino ang mahirap o mayaman upang makatawad ng bonggang bongga
10. Nagmumura kapag badtrip or di makatawad
11. Nagmumura, palaaway, at mandurukot (minsan)
11. Magaling sumayaw at magaling sa break dance.

Gamit:
                                                                                  Pwede na bang ipanglaban?
* Siya ay nilikha upang apihin ng ibang transformer        Hindi. Pang amateur lang.
* Pang resbak sa trouble
* Basurero


Sorbetes/Sorbetero

Kakayahan:

1. Magaling magtinda ng sorbetes
The Transformer ng Pinas, The transformer of the Philippines2. Di marunong mapagod sa paglalako ng sorbetes (kahit bumabagyo na naglalako pa din)
3. Magaling sa matematika (Panunukli)
4. May kakayahang maglagay ng mga barya sa katawan panukli sa pera mo.
5. Kaya niyang iauthenticate ang pera kung peke ang pera
6. Marunong mang uri ng tao kung ito ay manggantso, magnanakaw, manloloko, at balasubas.
7. May sariling kalembang upang madaling mapuna ng tao

Gamit:
 * Siya ay nilikha upang pakalmahin at palamigin ang ulo ni Optimus
Prime sa pamamagitan ng kanyang Ice cream.             Pwede na bang ipanglaban?
                                                                                  Hindi. Taga pamagitan sa magkaaway. (negosyador)

Taxi

Kakayahan

The Transformer ng Pinas, The transformer of the Philippines
1. Namamasada ng walang pagod 24/7 as in walang time out

2. Napakagling sa matematika ( magaling manukli)
3. Magaling mang uri ng tao kung mayaman or mahirap upang kanyang masingil ng mahal o tama lang.
4. Automatic - matalinong pagmemetro
5. Apat ang gulong
6. Magaling ding mang uri kung manggantso, magnanakaw, o miymbro ng gang ang pasahero
7. Mabilis ang takbo
8. Kaya mag authenticate kung ang pera ay peke o hindi.
9. Sensitibo sa usok kaya siya ay laging nagmumura sa tuwing may kasunod na mausok ang tambutso.

Gamit:
                                                                                         Pwede na bang ipanglaban?
*Nilikha upang sakupin ang pasadahan ng buong Maynila   Oo, Hindi. Sa karera lalo na malaki pustahan.






Pero nagtaka ako sa dalawang ito kung pano sila naging transformers..hehehe..

bayani.gordon
Gordon-Bayani the transformers



Kung ikaw ay bibigyan ng tsansa na pangalanan ang mga ito..ano ang ibibigay mo?? he he he..

 
    
>>>Marami pa kaming jokes dito mga mare at dre:<<<

Makating Asawa
Dalawang Tanga
Okrayan Sa Jeep
Papansin Kay Sir
Gay Secret Relationship
Taguro ng Ghost Fighter
Mutya ng Pasig
Sakit ng Tyan ko sa Post na to




1 comment:

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget