Sunday, September 11, 2016

Sulat daw ng Dyosa sa Pangit na jowa

Sulat daw ng Dyosa sa Pangit na jowa
sulat para sa pangit na boyfriend
Pangit daw Boyfriend?

"PARA SA PANGIT KONG MANLILIGAW!"

So eto na nga meron akong manliligaw itago nalang natin sya sa pangalang Loloy. Tatlong taon na syang nanliligaw saken at sa tatlong taon na yon di ko na mabilang kung ilang beses ko na nareject yung putanginang yon hahaha! Tangina kase non eh napakahangin di naman pogi, lakas ng sense of humor non makita mo palang pagmumukha non matatawa ka na hahahaha! Di rin sya katangkaran 5'5 lang sya at 5'7 naman ako, tangina parang pamangkin ko lang hahaha! Moreno at di gwapo I repeat di talaga sya gwapo. Nagpakulay pa nga yon ng buhok dati nagpa blond eh moreno kaya nagmukhang Duracell na battery si gago hahahaha!

3yrs straight nanliligaw saken si Loloy Abnoy. Everyday at everynight may goodmorning at goodnight message ako don, walang palya. Magtetext saken yon sa umaga ng napakahabang message tas punong puno ng emoticon halos dinaig pa ata el filibusterismo at noli me tangere ni Rizal sa haba ng text non tas ang reply ko "Morning. Wait lang. Kakagising ko lang mag aayos muna ko. Tyl." Tas after 12hrs na ulit ako magrereply kapag patulog na ko hahahaha! Pero kahit walang kasusta sustansya messages ko sa kanya ni minsan hindi ko narinig magreklamo yung damuhong yon. Kapag hinahatid ako non galing school napagkakamalang stalker yon eh, dyosa kase ako! Chos! Maraming nanliligaw saken kasabay ni Loloy, may gwapo talaga at may gwapo lang kase mabango. Hahaha! Pero si Loloy jusko kung ikukumpara sa iba kong manliligaw eh nagmumukha lang syang peklat pag pinagharap harap mo sila. Hahahaha! Oo na, alam ko lalaitin nyo ko, napakasama ko kase mapanglait at mapangmata ako pero bear with me please. Hahaha!

Ewan ko kung anong nakain ko o kung anong gayuma ang pinainom saken ng putanginang Loloy na yon pero tinamaan ako ng magaling. Kumportable ako kapag kasama ko si Loloy, halos maiyak ako kakatawa kapag nagjojoke yung hayop na yon. Sobrang witty lalo na sa kalokohan para mapatawa lang ako. Kahit nagmumukha ka na syang tanga at gago sa harap ng maraming tao, go lang sya. Ngiti ko lang daw yung isukli ko sa kanya solb na solb na sya. Hindi ko mahal si Loloy. Noon. Ngayon, ayaw ko na syang mawala saken, tangina nandidiri parin ako habang tinatype to hahahaha! Tangina mo Loloy! Kahit panget ka kahit bulilit ka at kahit na mukha kang joke. Mahal na kita. Mahal na mahal na kita kaya after 3 looooong years na pagpapahirap, pang iinsulto at pang lalait ko sayo. Sasagutin na kita. Oo Loloy, sasagutin na kita. Gusto ko saken ka na at sayo na ko. Di na kita papakawalang panget ka! I love you pero pakyu! ❤

Lala
2015
LPU

Source: Laila

Share your text jokes to us at 09303293946 https://www.facebook.com/minchin01 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

No comments:

Post a Comment

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget