Pooh |
Kim Idol |
Pokwang |
Sa mga hindi nakakaalam narito ang ilan sa mga imposyon tungkol sa mga impersonators na ito:
Pooh's Real name is Reynold Garcia and was born on December 18, 1974 in Samar and was awarded as best male stand up comedian in the year of 2006 and 2007 (Aliw Award).
Pokwang's real name is Marietta Subong and was born o August 27, 1970
Kim Idol's real name is Michael Argente and was born on March 24, 1979.
Video Transcription:
Pokwang: Please welcome from TV Patrol Mr. Julius Bangaw!
Julius Bangaw: Pansamantala po naming pinuputol ang inyong maligayang panunuod makakapanayam po natin live dito po sa Las Vegas, Nevada ang peoples champ ang nag iisang pambansang kamao. Palakpakan po natin Manny Poohquiao!
Announcer: Ladies and Gentlemen, lets be ready to rumbleeeeeeeeeee...
Julius Bangaw: Kamusta na ang mayaman?
Manny: Ah...ikaw naman masyado kang.. wag mo namang sabihin na mayaman kasi baka masilip tayo ng BIR eh..
Julius: Palabiro ka talaga Manny, Kumusta naman.. gaano kalaki ang iyong mga napanalunan na?
Manny: Ah hindi ko pwedeng sabihin yun kasi "Seykreyt"
Julius: Manny, nakakatawa ka talaga..Manny itong napanalunan mo san mo 'to dinala?
Manny: Ahhh.. madami naman akong pinagdalhan ng mga napanalunan ko. Actually, hinati hati ko to sa madaming hati eh..
Julius: Katulad ng?
Manny: Yung isang hati sa Orphanage, Yung isang hati sa simbahan, tapos yung kalahati ng kalahati syempre sa mga bata. Yung kalahati ng maliit na hati hinati ko para sa mga hayop..
Julius: Sinong mga hayop?
Manny: Nag aano na din ako ngayon eh.. nag a- adopt na din ng mga hayop, mga lion, mga tigre ganun...kasi gusto kong maging Leon Guerero.
Julius: Alam mo Manny ito ha.. sa mga endorsements mo, may mga nakakasama ka ding international stars. Kamusta kayo ni Jet li?
Manny: Ah medyo okay naman yung samahan namin ni Jet Li. marami kaming natutunan sa bawat isa. Actually marami siyang natutunan sa akin na mga tagalog na mga salita tapos. Medyo mahirap kasi yung chinese na salita eh
Julius: Paano mo nasabi?
Manny: Nahilo kasi ako kagaya nung... basta may sinabi siya sa akin "Ni hao" ganun...
Julius: "ni hao?"
Manny: Sinagot ko sa kanya kung pork chop ba o talong kung anong gusto niya... gusto niya pagsabayin nalang eh..
Julius: ah.. Manny, nung aming ni-recap ang mga una mong laban mula sa simula. Karamihan mga 12 rounds napapatumba mo yung kalaban. The last time, 3 rounds lang si Morales tumumba na. Kumusta yung laban niyo ni Morales na yun.
Manny: Ah medyo mahirap yun kasi yung kay Morales kasi iba yung sitwasyon namin 3 rounds kasi yun kasi. Pangalawang rounds pa lang iba na yung naramdaman ko eh. Yakap ng yakap sa akin eh.
Julis: Talaga?
Manny: OO. Iba yung naramdaman ko, parang may feelings siya sa akin...
Julius: Paano mo naman nasabi ito?
Manny: kasi parang may narinig ako na "I love you, Pare", di ko alam kung paano natutong magtagalog yun?
Julius: Siguro yun yung pinaraktis niya. Ah hindi.. joke joke joke lang naman yun kasi ganun talaga kapag boksing. kapag yumakap sayo ng ilang seconds ibig sabihin nagpahinga lang yun tapos magsusuntok na ulit yun. Pero kapag niyakap ka na ng kalaban tapos niyakap mo din siya tapos humiga na kayo.. hindi na boksing yun.
Julius: Manny, ang makakalaban mo bukas ay isang napakabatang manlalaro. Ah kamusta ang preprasyon na ginawa mo para kay Diaz?
Manny: Ah siyempre marami din naman, proper diet, tapos tumatakbo ako..Takbo lang ng takbo pero bumabalik din naman ako. Kasi mahirap yung takbo ka lang ng takbo ng walang patunguhan eh. baka mapagkamalan naman akong sira ang ulo ko nun. Pero ngayon meron akong ginagawa. May aso, para lamangan ko yung aso.
Julius: So, tumatakbo ka na may kasamang aso?
Manny: yes, may kasama din akong aso, ganun. Saka kasama ko si Cockroach
Julius: Sinog cockroach?
Manny: hindi si Coach Roach.
Julius: Ah...akala ko pati yung ipis.
Manny: ah.. oo ganun nga.. nahihirapan kasi ako.. si Coach Roach ba.
Julius: Manny, ito isa sa mga huli kong mga tanong.. Si Diaz, kapag kinakapanayam siya Manny ang rami rami niyang sinasabi. Parang ansama sama ng loob niya dahil kadalasan ang mga mexicanong nakakalaban mo pinapatumba mo Manny. Parang gusto niya mapatumba ngayon. Anong mensahe mo kay Diaz?
Manny: Ah well Diaz, its up to you and ahh.. its up to me also.. ah ano naman yun eh sinabi ko naman sa lahat ng mga nakalaban ko na mga mexicano na hindi na talaga , wag na talaga kayo eh. Kasi kaya ko naman sila inuubos gusto ko talagang makabangga si Zoro! teka lang may itatanog lang ako sayo.
Julius: Bakit?
Manny: Ikaw ba talaga si Julius Bangaw?
Julius: Bakit,bakit mo natanong?
Manny: Mas kamukha mo si Mitch Valdez eh..
Julius: Ikaw talaga palabiro ka..
Manny: Hindi... totoo po yun..
Julius: Ikaw mas kamukha mo si Villarde. Oh ito Manny, kailangan tuloy tuloy tayo kasi kailangan mo ng magpahinga dahil bukas maaga pa ang laban mo meron ka bang nais pasalamatan?
Manny: Ah well, pasalamatan ko syempre ang mga taong sumusuporta sa akin, thank you very much for all of your supporting me. And ah. sa lahat ng mga pumusta sa akin thank you very much! Sa mga hindi naman pumupusta sa akin.. buti nga sa inyo.. Ah .. atsaka ginagawa ko naman ito para sa ating.. kapwa ko pilipino .. I want. I want to ... I... thanks God!
Julius: Alam mo Manny, Kitang kita sa ga nandito ngayon sa Las Vegas, Nevada na tuwang tuwa sila, pero gusto ko lang ipaalala sa yo Manny na hindi lahat natutuwa sa tinatamasa mo ngayon meron kang ilang detractors gusto ka nilang pabagsakin, sinisiraan ka. May iba pa nagpapakalat na videos, pictures sa youtube at thourgh email. Anong masasabi mo sa nagpapakalat ng balita through email?
Manny: Ah, Actually matagal ko ng kinikimkim sa loob ko eh. Wala naman lahat katotohanan yun. Lahat na mga lumalabas na balita na yun at ah may gusto lang akong iparating sa kay Email. Email kung ano man ang mga ginagawa mo na kalokohan na yan, lahat ng paninira mo sa akin. Ah wats out, I will look out for you.
Julius: Manny, sandali sinong email? Hindi tao yun. Electronic Mail = email sa internet. OO. Electronic Mail
Manny: Ah, Electronic, kung nasan ka man sundan kita
Julius: Mga kaibigan, palakpakan po natin.. Pooh for Manny PoohQuiao
Pooh: Ladies and Gentlemen, Kim Idol
Pooh: Hindi ko naman talaga kamukha si Manny Pacquiao eh mas kamukha ko po si Jerry Penalosa! Pero kapag naka long sleeve na akong ganito.. mas kamukha ko nga daw po si Mike Vilarde. Amen?
Crowd: AMEN!
Pooh: Praise you, praise you!
Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.
No comments:
Post a Comment