Monday, July 16, 2012

Another Thor batch of funny pics!


Sa sobrang dami na ng picture ni Thor nagalit na si kuya




Kaya sabi ni Thor.. Palamig ka muna bro!

Cornetto


Wag kang Torpe! 

Torpe

Tourism - THOR-sm
Thor para sa lamok!

Baygon Katol -Thor
Lahat nalang si Thor!

All About Thor



Kaya please tama na bago pa magalit si
Mr Bean as MisTHOR Bean

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Tuesday, July 10, 2012

Paalam Mang Dolphy :(

Dolphy
Ang Kulitan Ng Pinoy po ay kaisa ng bawat pilipino sa pagluluksa sa pagkawala ng hari ng komedya - RODOLFO "DOLPHY" QUIZON. Sa edad na 83, ang atin pong kinikilalang hari ng komedya ay pumanaw na sa kanyang ospital sa Makati Medical Center dulot ng komplikasyon. Si Dolphy ay ipinanganak nung Hulyo 25, 1928. Siya ay sumikat at nakilala ng husto sa Pacifica Palaypay na siyang naging trademark niya sa pagpapatawa sa ating mga pinoy..

Nagsimula si Dolphy sa pag arte sa "Dugo At Bayan" nung 1946 kasama si Fernando Poe Sr. sa edad na 19. Narito ang ilan sa mga palabas ni Dolphy na nag hit sa takilya.

1946 -Dugo at Bayan
1953 -Sa Isang Sulyap mo Tita
1953 -Jack and Jill
1953 -Maldita
1953 -Vod-A-Vil
1954 -Maala-Ala Mo Kaya
1954 -Dalagang Ilocana
1954 -Sa Isang Halik mo Pancho
1954 -Sabungera
1954 -Menor de Edad
1954 -Kurdapya
1955 -Tatay na si Bondying
1955 -Artista
1955 -Sa Dulo ng Landas
1955 -Balisong
1955 -Despatsadora
1955 -Waldas
1955 -Hindi Basta-Basta
1955 -Hootsy-Kootsy
1955 -Mambo-Dyambo
1956 -Chavacano
1956 -Vaccacionista
1956 -Teresa
1956 -Gigolo
1956 -Boksingera
1956 -Kulang sa 7
1957 -Hongkong Holiday
1957 -Bituing Marikit
1957 -Hahabol-habol
1957 -Paru-Parong Bukid
1957 -Tatang Edyer
1958 -Dewey Boulevard
1958 -Mga Reyna ng Vicks
1958 -Pulot-Gata
1958 -Silveria
1958 -Mga Kuwento ni Lola Basyang
1959 -Ipinagbili Kami ng Aming Tatay
1959 -Isinumpa
1959 -Kalabog en Bosyo
1959 -Pakiusap
1959 -Sa Libis Ng Nayon
1959 -Wedding Bells
1960 -7 Amores
1960 -Ang Tsismosang Magkakapitbahay
1960 -Beatnik
1960 -Dobol Trobol
1960 -Lawiswis Kawayan
1960 -Love At First Sight
1961 -Eca Babagot
1961 -Hani-hanimun
1961 -Kandidatong Pulpol
1961 -Sa Linggo Ang Bola
1961 -Kasal Muna Bago Ligaw
1961 -Operatang Sampay Bakod
1962 -Barilan Sa Baboy Kural
1962 -Si Lucio at Si Miguel
1962 -The Big Broadcast
1962 -Lab na Lab Kita
1962 -Susanang Daldal
1962 -Tanzan The Mighty
1963 -Adiang Waray
1963 -Detektib Kalog
1963 -Ecu Tatakot
1963 -Ikaw Na Ang Mag-Ako
1963 -Pasiklab Ni Long Ranger
1963 -King And Queen For A Day
1963 -Magtago Ka Na Binata!
1963 -Mga Manugang Ni Dracula
1963 -Mr. Melody
1963 -Tansan VS Tarzan
1964 -Babaing Kidlat
1964 -Captain Barbell
1964 -Adre, Ayos Na!
1964 -Sa Daigdig Ng Fantasia
1964 -Utos ni Tale Hindi Mababale
1965 -Agent Sa Lagim
1965 -Dolphinger
1965 -Dr. Yes
1965 -Keng Leon, Keng Tigre
1965 -Kulog At Kidlat
1965 -Operesyon Ni Adan
1965 -Scarface at Al Capone
1965 -Show Business
1965 -Dolphinger Meets Pantarorong
1965 -Genghis Bond
1966 -Alyas Don Juan
1966 -'Mga Bagong Salta Sa Maynila
1966 -Alyas Popeye
1966 -Mga Bagong Salta Sa Bahay Engkantada
1966 -James Batman
1966 -Dalawang Kumande sa WAC
1966 -Doble Solo
1966 -Dolpong Istambol
1966 -Dolpong Scarface
1966 -Dressed To Kill
1966 -Dr. Laway
1966 -The 7 Faces of Dr. Sibago
1966 -Keni Brothers
1966 -Napoleon Doble
1966 -Operation Butterball
1966 -Pambihirang 2 Sa Combat
1966 -Pepe and Pilar
1966 -Sungit Conference
1967 -Ayaw Ni Mayor
1967 -Buhay Artista
1967 -Buhay Marino
1967 -Hey Boy Hey Girl
1967 -Like Father Like Son
1967 -Shake-A-Boom
1967 -Sitsiritsit Alibangbang
1967 -Da Best In Da West
1967 -Together Again
1968 -Artista Ang Aking Asawa
1968 -Buy 1 Take 1
1968 -Dakilang Tanga
1968 -Good Morning Titser
1968 -Kaming Taga-Ilog
1968 -Kaming Taga-Bundok
1968 -O Kaka O Kaka
1968 -Pag-ibig, Pagmasdan Mo Ang Ginawa Mo
1968 -Private Ompong & The Sexy Dozen
1968 -Tiririt ng Maya, Tiririt ng Ibon
1968 -Utos Ni Mayor
1969 -Adolpong Hitler
1969 -Ang Sakristan
1969 -Buhay Bumbero
1969 -Facifica Falayfay
1969 -Golpe De Gulat
1969 -Kangkarot
1969 -Mekenis Gold
1969 -10 Labuyo
1969 -The Graduation
1970 -Boyoyoy
1970 -El Pinoy Matador
1970 -Rodolfo Valentino
1970 -Tayo'y Mag-Up Up and Away
1970 -Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
1971 -Family Planting
1971 -Karioka Etchos De America
1971 -Kung Ano Ang Puno, Siya ang Bunga
1972 -Anthony at Cleopatra
1972 -Florante at Laura
1972 -Love Pinoy Style
1972 -Ta-ra-ra-dyin Pot-pot
1972 -Nardong Putik (Guest)
1972 -Pinokyo en Little Snow White
1972 -Itik-itik
1972 -Si Romeo at Si Julieta
1973 -Ako'y Paru-paro, Bulaklak Naman Ako
1973 -Captain Barbell Boom
1973 -Cyrano at Roxanne
1973 -Dracula Goes to RP
1973 -Fefita Fofonggay
1973 -Ibong Adarna
1973 -Kitang-kita ang Ebidensiya
1973 -Fung Ku
1974 -'Bornebol
1974 -Byenan Ko Ang Aking Anak
1974 -Huli-huli Yan
1974 -John & Marsha
1974 -Sarhento Fofonggay
1975 -The Goodfather
1975 -Jack and Jill and John
1975 -John and Marsha in America
1975 -Meron Akong Nakita
1976 -Ang Banal, Ang Ganid, At Ang Pusakal
1976 -Brutus
1976 -Taho-itchi
1976 -Kisame Street
1976 -Omeng Satanasia
1976 -Kaming Matatapang ang Apog
1976 -Kisame Street
1977 -John and Marsha 77
1977 -Kapten Batuten
1977 -Omeng Satanasia
1977 -War Kami Ng Misis Ko
1978 -Ang Tatay Kong Nanay
1978 -Facundo Alitaftaf
1978 -Jack and Jill of the Third Kind
1978 -Mokong
1979 -Bugoy
1979 -Dancing Master
1979 -Darna Kuno
1980 -Dolphy's Angels
1980 -John and Marsha 80
1980 -Max en Jess
1980 -Superhand
1980 -The Quick Brown Fox
1981 -Da Best In Da West 2
1981 -Dancing Master 2
1981 -Stariray
1981 -Titser's Pet
1982 -Good Morning Professor
1982 -Mga Kanyon Ni Mang Simeon
1982 -My Heart Belongs To Daddy
1982 -My Juan en Onli
1982 -Nang Umibig Ang Mga Gurang
1983 -Always In My Heart
1983 -Daddy Knows Best
1983 -My Funny Valentine
1983 -Tengteng De Sarapen
1984 -Daddy's Little Darlings
1984 -Nang Maghalo ang Balat Sa Tinalupan
1985 -The Crazy Professor
1985 -Goatbuster
1985 -John and Marsha sa Probinsiya
1986 -Balimbing
1986 -John and Marsha 86 TNT
1986 -Kalabog en Bosyo 2
1987 -Action is not Missing
1987 -Bata Batuta
1987 -Black Magic
1987 -Mga Anak Ni Facifica Falyfay
1987 -My Bugoy Goes To Congress
1987 -Once Upon A Time
1988 -Bakit Kinagat Ni Adan ang Mansanas Ni Eba
1988 -Haw-haw De Carabao
1988 -Ompong Galapong
1989 -Balbakwa
1989 -My Darling Domestic
1989 -May Pulis sa Ilalim ng Tulay
1990 -Atorni Agaton
1990 -Dino Dinero
1990 -Espadang Patpat
1991 -John en Marsha 91
1993 -Home Along Da Riles
1994 -Abrakadabra
1994 -Hataw, Tatay Hataw
1994 -Home Along Da Riles 2
1995 -Father en Son
1995 -Home Sic Home
1995 -Wanted: Perfect Father
1996 -Aringkingking
1998 -Tataynic
2000 -Daddy O! Baby O!
2000 -Markova
2002 -Home Along Da Riber
2008 -Dobol Trobol
2009 -Nobody, Nobody But Juan
2010 -Father Jejemon

Source: Wikipedia

Ang huling pelikula niya ay ang Father Jejemon nung 2010.Si Dolphy ay maraming natulungang mga artista at isa na dito si Nova Villa at iba pa. Ang isa sa mga natatandaan kong matagal na sitcom nila ay ang "John And Marsha" kung saan siya ay gumanap na ama ni Sherlyn (Maricel Soriano) at asawa ni Marsha (Nida Blanca).

Isang balik tanaw sa storya ng John En Marsha

Ang isa sa mga hindi ko makakalimutan nuon ay ang maingay na si Matutina (Evelyn Bontogon Guerero) na laging asungot at mahaderang katulong ni Donya Delilah (Delya Atay-Atayan) sa tuwing babangayan ni Donya Delilah si John dahil nga wala itong trabaho. Ang laging line ni Donya Delilah "kaya nga John, magsumikap ka, wag kang tatamad tamad...!" may kasunod pa minsan na " Hudas, barabas, hestas!..Kaya ang drama ni John, kapag may mga pangangailangan sila hindi nila tinatanggap ang alok na tulong ni Donya Delilah. Ang isa pa sa mga lines nila na nakakatawa talaga ay kapag pinapakakuha ng pera si Matutina.. ang sabi ni Donya " kunin mo nga ang pera ko dun sa bodega sako sako yun" minsan madadaganan pa si Matutina bigla nalang papalahaw... :) At ang isa pang naalala ko ay ang nunal ni Isko Moreno na nanliligaw naman kay Shirley sa kanyang tindahan. Hay nakakatuwa talaga kapag naaalala ko ang mga palabas nila nuon. Nakakamiss talaga.




Another funny clips of John En Marsha



Bilang pilipino na naghahangad ng kaligayahan gaya ni Mang Dolphy, Ang KNP (Kulitan Ng Pinoy) ay nakikidalamhati sa pamilya Quizon sa kanilang pinagdadaanan.

Ang pagkawala ng hari ng komedya ay parang pagkawala din ng saya sa bawat pilipino. Mararamdaman mo ang kulungkutan sa bawat pilipino sa kanyang pagkawala. Ang masasabi lang po namin sa KNP ay...

"Pinatawa mo kami sa lahat ng mga palabas mo, pero pinaiyak mo kami ng sobra sa isang beses ng pagkawala mo"

Mananatili ka sa puso namin Mang Dolphy at marami pong salamat!


- KNP
Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Thursday, July 5, 2012

Lagi nalang si Thor! Si Thor na walang Alam.. walang kasalanan!

Hay naku ano na naman itong naglalabasang pictures ni Thor! Sandamakmak na funny pictures ang naglabasan sa social sites ngayon lalo na sa facebook. Kaya hindi pahuhuli ang Kulitan ng Pinoy sa pagshare sa inyo ng mga nakakatawang pictures na ito bago ito ishare sa inyo ng mga friends ninyo mga friends!

Ang ilan ginawa pa itong jokes sa mga lines ng salita nila...

- Gusto kong bumili ng kendi sa sTHORe (store) nilang aling bebang..
- Sino ang AuTHOR ng libro na ito?
- Sino ang MenTHOR ng protege mo?

Ang korni noh? Pero lahat yan naglabasan sa wall ng ilan sa mga facebook friends.. mga friends...

Teka teka nga bago tayo lumaon, sino ba itong si Thor? Mas makabubuting pumunta nalang kayo dito para malaman ninyo kung sino si Thor.

Ito ang ilan sa mga viral photos about kay Thor... share nyo na baka maunahan pa kayo ng mga friends nyo!

KaTHORsi

THOR'Sday

Thor on a bus

TerminaTHOR

National BooksTHOR

MoThor
Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.


Nagustuhan mo ba ang mga nakakatawang larawan na ito? I like mo pala para ganahan pa kami magpost ng maraming  images na pwede mong ishare sa mga friends mo.. I google plus mo din para lalo kaming masiyahan! Salamat!

Tuesday, July 3, 2012

People's Champ Manny PookQiao together with Julius Bangaw

Pooh
People's Champ Manny Pookyaw together with Julius Bangaw 2010 funny show video.

Kim Idol
Pokwang
May isa na naman akong nakitang video na share ng kaibigan ko sa Facebook. Ewan ko lang kung napanuod na ninyo ang Pooh-Kwang Comedy Shows na dinaluhan ng maraming pinoy sa states. Kasama dito si Pokwang, Kim Idol and Pooh, at ito ay ginaganap sa Las Vegas, Nevada.. ang sosyal! ^_^

Sa mga hindi nakakaalam narito ang ilan sa mga imposyon tungkol sa mga impersonators na ito:

Pooh's Real name is Reynold Garcia and was born on December 18, 1974 in Samar and was awarded as best male stand up comedian in the year of 2006 and 2007 (Aliw Award).


Pokwang's real name is  Marietta Subong  and was born o August 27, 1970 


Kim Idol's real name is Michael Argente and was born on March 24, 1979.






Video Transcription:

Pokwang: Please welcome from TV Patrol Mr. Julius Bangaw!
Julius Bangaw: Pansamantala po naming pinuputol ang inyong maligayang panunuod makakapanayam po natin  live dito po sa Las Vegas, Nevada ang peoples champ ang nag iisang pambansang kamao. Palakpakan po natin Manny Poohquiao!

Announcer: Ladies and Gentlemen, lets be ready to rumbleeeeeeeeeee...

Julius Bangaw: Kamusta na ang mayaman?
Manny:  Ah...ikaw naman masyado kang.. wag mo namang sabihin na mayaman kasi baka masilip tayo ng BIR eh..
Julius: Palabiro ka talaga Manny, Kumusta naman.. gaano kalaki ang iyong mga napanalunan na?
Manny: Ah hindi ko pwedeng sabihin yun kasi "Seykreyt"
Julius: Manny, nakakatawa ka talaga..Manny itong napanalunan mo san mo 'to dinala?
Manny: Ahhh.. madami naman akong pinagdalhan ng mga napanalunan ko. Actually, hinati hati ko to sa madaming hati eh..
Julius: Katulad ng?
Manny: Yung isang hati sa Orphanage, Yung isang hati sa simbahan, tapos yung kalahati ng kalahati syempre sa mga bata. Yung kalahati ng maliit na hati hinati ko para sa mga hayop..
Julius: Sinong mga hayop?
Manny: Nag aano na din ako ngayon eh.. nag a- adopt na din ng mga hayop, mga lion, mga tigre ganun...kasi gusto kong maging Leon Guerero.
Julius: Alam mo Manny ito ha.. sa mga endorsements mo, may mga nakakasama ka ding international stars. Kamusta kayo ni Jet li?
Manny: Ah medyo okay naman yung samahan namin ni Jet Li. marami kaming natutunan sa bawat isa. Actually marami siyang natutunan sa akin na mga tagalog na mga salita tapos. Medyo mahirap kasi yung chinese na salita eh
Julius: Paano mo nasabi?
Manny: Nahilo kasi ako kagaya nung... basta may sinabi siya sa akin "Ni hao" ganun...
Julius: "ni hao?"
Manny: Sinagot ko sa kanya kung pork chop ba o talong kung anong gusto niya... gusto niya pagsabayin nalang eh..
Julius: ah.. Manny, nung aming ni-recap ang mga una mong laban mula sa simula. Karamihan mga 12 rounds napapatumba mo yung kalaban. The last time, 3 rounds lang si Morales tumumba na. Kumusta yung laban niyo ni Morales na yun.
Manny: Ah medyo mahirap yun kasi yung kay Morales kasi iba yung sitwasyon namin 3 rounds kasi yun kasi. Pangalawang rounds pa lang iba na yung naramdaman ko eh. Yakap ng yakap sa akin eh.
Julis: Talaga?
Manny: OO. Iba yung naramdaman ko, parang may feelings siya sa akin...
Julius: Paano mo naman nasabi ito?
Manny: kasi parang may narinig ako na "I love you, Pare", di ko alam kung paano natutong magtagalog yun?
Julius: Siguro yun yung pinaraktis niya. Ah hindi.. joke joke joke lang naman yun kasi ganun talaga kapag boksing. kapag yumakap sayo ng ilang seconds ibig sabihin nagpahinga lang yun tapos magsusuntok na ulit yun. Pero kapag niyakap ka na ng kalaban tapos niyakap mo din siya tapos humiga na kayo.. hindi na boksing yun.
Julius: Manny, ang makakalaban mo bukas ay isang napakabatang manlalaro. Ah kamusta ang preprasyon na ginawa mo para kay Diaz?
Manny: Ah siyempre marami din naman, proper diet, tapos tumatakbo ako..Takbo lang ng takbo pero bumabalik din naman ako. Kasi mahirap yung takbo ka lang ng takbo ng walang patunguhan eh. baka mapagkamalan naman akong sira ang ulo ko nun. Pero ngayon meron akong ginagawa. May aso, para lamangan ko yung aso.
Julius: So, tumatakbo ka na may kasamang aso?
Manny: yes, may kasama din akong aso, ganun. Saka kasama ko si Cockroach
Julius: Sinog cockroach?
Manny: hindi si Coach Roach.
Julius: Ah...akala ko pati yung ipis.
Manny: ah.. oo ganun nga.. nahihirapan kasi ako.. si Coach Roach ba.
Julius: Manny, ito isa sa mga huli kong mga tanong.. Si Diaz, kapag kinakapanayam siya Manny ang rami rami niyang sinasabi. Parang ansama sama ng loob niya dahil kadalasan ang mga mexicanong nakakalaban mo pinapatumba mo Manny. Parang gusto niya mapatumba ngayon. Anong mensahe mo kay Diaz?
Manny: Ah well Diaz, its up to you and ahh.. its up to me also.. ah ano naman yun eh sinabi ko naman sa lahat ng mga nakalaban ko na mga mexicano na hindi na talaga , wag na talaga kayo eh. Kasi kaya ko naman sila inuubos gusto ko talagang makabangga si Zoro! teka lang may itatanog lang ako sayo.
Julius: Bakit?
Manny: Ikaw ba talaga si Julius Bangaw?
Julius: Bakit,bakit mo natanong?
Manny: Mas kamukha mo si Mitch Valdez eh..
Julius: Ikaw talaga palabiro ka..
Manny: Hindi... totoo po yun..
Julius: Ikaw mas kamukha mo si Villarde. Oh ito Manny, kailangan tuloy tuloy tayo kasi kailangan mo ng magpahinga dahil bukas maaga pa ang laban mo meron ka bang nais pasalamatan?
Manny: Ah well, pasalamatan ko syempre ang mga taong sumusuporta sa akin, thank you very much for all of your supporting me. And ah. sa lahat ng mga pumusta sa akin thank you very much! Sa mga hindi naman pumupusta sa akin.. buti nga sa inyo.. Ah .. atsaka ginagawa ko naman ito para sa ating.. kapwa ko pilipino .. I want. I want to ... I... thanks God!
Julius: Alam mo Manny, Kitang kita sa ga nandito ngayon sa Las Vegas, Nevada na tuwang tuwa sila, pero gusto ko lang ipaalala sa yo Manny na hindi lahat natutuwa sa tinatamasa mo ngayon meron kang ilang detractors gusto ka nilang pabagsakin, sinisiraan ka. May iba pa nagpapakalat na videos, pictures sa youtube at thourgh email. Anong masasabi mo sa nagpapakalat ng balita through email?
Manny: Ah, Actually matagal ko ng kinikimkim sa loob ko eh. Wala naman lahat katotohanan yun. Lahat na mga lumalabas na balita na yun at ah may gusto lang akong iparating sa kay Email. Email kung ano man ang mga ginagawa mo na kalokohan na yan, lahat ng paninira mo sa akin. Ah wats out, I will look out for you.
Julius: Manny, sandali sinong email? Hindi tao yun. Electronic Mail = email sa internet. OO. Electronic Mail
Manny:  Ah, Electronic, kung nasan ka man sundan kita
Julius: Mga kaibigan, palakpakan po natin.. Pooh for Manny PoohQuiao

Pooh: Ladies and Gentlemen, Kim Idol

Pooh: Hindi ko naman talaga kamukha si Manny Pacquiao eh mas kamukha ko po si Jerry Penalosa! Pero kapag naka long sleeve na akong ganito.. mas kamukha ko nga daw po si Mike Vilarde. Amen?

Crowd: AMEN!

Pooh: Praise you, praise you!

Share your text jokes to us at 09079381522 Not a filipino and can't relate? Please use the google translator on the upper right side of this page.

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget