Tuesday, November 23, 2010

May tama pa..:))

interviewjokeA doctor was examining his patient from the Mental Hospital.

Doctor: Kung ikaw ay palabasin ngayon, ano ang gagawin mo?

Patient: Dok, titiradorin ko po ang buwan!

Doctor:Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin kita ulit pagkatapos ng anim ba buwan.

Pagkalipas ng anim na buwan....

Doctor:Kung palalabasin ka ngayon, ano ang iyong gagawin?

interviewjoke2Patient: Doktor, ako po ay magaling na! Pagkalabas ko po ng ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng maayos.

Doctor: Good! Pag nakahanap ka na ng trabaho, ano ang iyong gagawin?

Patient: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makapiling na pang habang buhay.

Doctor: (Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!) Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin?

Patient:Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun!

Doctor: (Tanong ulit ng bilib na doktor) Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun?

Patient: Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa.

Doctor: Pagkatapos...?

Patient: Pagkatapos, huhubarin ko ang kaniyang bra at panty.

Doctor: Pagkatapos...?

Patient: Pagkatapos... kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan!

Akala mo ha!

1 comment:

  1. haha, akala ko kung ano mangyayari pagkatapos ng hubaran, tirador din pala hehe.

    ReplyDelete

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget