Wednesday, October 27, 2010

Gusto mo bang matuto ng gay lingo??

Gusto mo bang matuto ng gay lingo??

May nag uusap na dalawang bakla sa isang jeep..  



Gay 1: Gurl, nagpagas na ba atashi??
Gay 2: Ritchels pa teh, pagas na tayis?Little Men (Lingo Books)
Gay 1: Maggi na muna teh..unyabels na baka marakbey itech kararu. Sayang lang ang andey atashi.
Gay 2: Go ating

Pero ikaw naman ay talagang nagtatanong sa sarili mo kung ano ang pinag uusapan nila. Di mo alam eh ikaw na pala yun, pero di ba ansarap nilang pakinggan? kasi andyan yung may mga emote emote

pa ang mga bayot. Minsan magtatawanan sila ng hindi mo man lang alam kung ano ang pinag uusapan nila, minsan T.H (tamang hinala) ka pa baka nga ikaw na ang pinagtatawanan nila. Nakakaasar di ba???

Pero sa paglipas ng panahon, madami na ding nakakaalam ng gay lingo na kilala na din at ginagamit na dingaya ng ilang kilalang celebrity. Isa na diyan si Tuesday Vargas. Narinig mo na ba sinabi na niya ang salitang "chenes!" Chenelyn! Churva! Aketch! Si Pokwang. Di ba sa wowowee panay ang gamit niya ng salitang "kimberly!" "Kimbersung" na halos makasanayan na niyang ihalo sa kanyang salita?? Ang paggamit ng gay linggo or kilala sa tawag nilang "blue book" mula sa baul ni lola ay ginagamit ng halos lahat ng uri ng tao, mapa babae, lalaki, bata o matanda, mahirap, mayaman -alam na nila. Ngunit datapwa't subalit, itoy iyong naririnig pero alam mo ba ang ibig sabihin??? Ha ha ha..I guess hindi pa..well kung gusto mo malaman..then ipost mo dito or mag comment ka.

Ang translation ng usapan ng dalawang bayot ay susunod na sa ikalawang post ko..





Updated today as promise the link for gay linggo is HERE

2 comments:

  1. uu nga naman nakakaasar kapag may nag uusap tapos di ka nakakarelate!! at magtatawanan at nakatingin sayo..buset talaga yun..sige nga translate mo yn..may pinsn akong juding eh nag uusap-usap sila di ko alam ang pinag uusapan. Minsan nga hindi ko siya pinayagan umalis pero nakaalis na kasama ang barkada yun pala may mga usapan sila ni hindi ko man lang natunugan...sige ishare go gurl!!

    ReplyDelete
  2. Salamat po sa mga nagcomment sa aking blog..:) Ngayon di na siya makakatakas...he he he..

    ReplyDelete

Short Jokes

Don't Forget To Join Our Community
×
bloggerWidget